Nasa pitong daang binhi ng punong kahoy ang itinanim sa malawak na kabundokan ng Brgy. Cagniog, Surigao City kahapon bilang pagdiriwang ng World Environment Month.
Karamihan sa mga itinanim na binhi ay mga fruit-bearing trees gaya ng santol, rambutan, lansones, kaimito, at meron ding mga hard wood tulad ng narra at magkuno.
Planong i-develop ang area bilang forest park na tatayuan naman ng view deck at hanging bridge.
Ang isinagawang simultaneous tree-planting activity ay pinangunahan ng DENR Caraga Regional Office sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Surigao.
Tumulong din sa pagtatanim ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno, Marajaw Surigao Anglers at mining companies sa lalawigan ng Surigao del Norte. | ulat ni May Diez | RP1 Butuan