Nilinaw ni Senate President Juan Miguel Zubiri na walang tampering na nangyari sa ginawang pagsasama sa dalawang magkaibang prescriptive period ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill.
Matatandaang may mga kumuwestiyon sa naturang hakbang dahil tanging ang senate secretariat lang ang gumawa ng merging ng dalawang probisyon.
Muling giniit ng senate president ang naturang pagtatama ay ginawa lang para salaminin ang tunay na intensyon gn panukalang batas at nakabatay rin sa transcript ng diskusyon sa plenaryo ng mataas na kapulungan.
Ayon sa mambabatas, honest oversight lang ng senate secretariat at staff ni senate committee on banks chairman senador Mark Villar ang nangyaring pagkakaroon ng dalawang magkaibang prescriptive period lalo’t madaling araw nang naaprubahan ng senado ang MIF bill noon.
Para rin kay Zubiri ay wala ring ilegal at hindi maituturing na falsification ang ginawa sa MIF bill at hindi na ito kailangan pang ibalik sa plenaryo.
Sa ngayon ay hindi pa aniya pirmado ni House Speaker Martin Romuladez ang MIF bill at inaasahan niyang sa Lunes pa ito ma pipirmahan ng House Speaker.
“There’s no such thing as tampering. There was never a plan to tamper. there was never a sinister move to tamper the measure.
there was no tampering that took place. we just reflected the true intention of the proivisions as relfected in the transcript of records… the enrolled bill, yung pinirmahan ko na sa washington, DC, is the truthful reflection of the intent of the members of congress…”
–Senate President Juan Miguel Zubiri
| ulat ni Nimfa Asuncion