Hindi ikinabahala ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang mga naging ugong-ugong na magkakaroon ng pagpapalit ng liderato sa Senado noong nasa estados unidos siya para sa tatlong linggong working visit.
Ayon kay Zubiri sa tagal na niya sa pulitika ay natuto na siyang ibaba ang kanyang expectations sa bawat hinahawakan niyang posisyon.
Pinaalala rin ng senador na naranasan na niya noong mag resign sa pagiging senador at nakaranas na rin siya ng pagkatalo.
Kaya naman nakahanda rin siya sakaling mapalitan man siya bilang senate president lalo’t nagsisilbi lang siya base sa kagustuhan ng kanyang mga kapwa senador.
Nagpasalamat rin si Zubiri sa patuloy na suporta at magagandang salita na natanggap niya mula sa mga kapwa senador nang umikot ang ugong-ugong na ito.
Wala rin naman aniyang lumapit sa kanya para sabihing hindi na sila masaya sa kanyang pamamalakad sa mataas na kapulungan ng Kongreso.
Nanindigan rin ang senate president na wala nang pangangailangan para sa isang loyalty check sa kanyang mga kasamahan.
“I serve the pleasure of my colleagues. kung ayaw nila sa akin, they can take me out. kung happy pa sila sa akin, they can keep me and as long as they need me. but I am honored to serve my colleagues. i am very honored tos erve my colleagues. una sa lahat, nagpapsalamat ako sa kanila, sa alaht ng aking mga kasamahan dito na nagpahayag ng statement of support…iba’t ibang istilo po ang mga senate president in the past… I am a different style of leader. I always seek the consensus of my colleagues and I am a consultative leader…Alam mo kapag may break ganun naman talaga ang usap usapan… I have no feelings about it because again I serve at the pleasure of my colleagues… yung pagka senate president, one foot in, one foot out ika nga yan. you’re always ready to come in or you’re always ready to come out…”
–Senate President Juan Miguel Zubiri
| ulat ni Nimfa Asuncion