Nilagdaan ng Social Security System (SSS)-La Union at Don Mariano Marcos Memorial State University (DMMMSU) ang isang kasunduan para sa social security coverage ng mga Job Order (JO) Workers.
Sa ilalim ng KaSSSangga-Collect Program, mairerehistro bilang self-employed members sa SSS ang mahigit 200 JO Workers ng DMMMSU na hindi sakup ng Government Service Insurance System (GSIS).
Sa pamamagitan ng programa, maaari nang mabigyan ang mga JO Workers ng mga social security benefits tulad ng sickness, maternity, disability, retirement, death, funeral benefit, Employees Compensation (EC) benefit at iba’t-ibang loans tulad ng salary, calamity, housing at pension loans. | ulat ni Glenda B. Sarac| RP1 Agoo