SSS, umabot sa P19.2M deliquency penalties ang nakolekta

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nakakolekta na ang Social Security System (SSS) ng aabot sa P19.2 million na deliquent penalty payment sa National Capital Region (NCR) ngayong taon.

Sa isang press conference sa pasig sinabi ni SSS NCR acting director Maria Rita S. Aguja ang naturang halaga ay nakoleta mula Marso hangang Hunyo ngayong taon mula sa 40 RACE operations sa iba’t ibang lungsod sa Metro Manila.

Dagdag pa ni Aguja na magpapatuloy ang ganitong uri ng programa ng SSS upang maiwasan ang hindi pagbabayad ng mga deliquent employers dahilan ng pagkakaipit ng empleyado na makuha ang mga benipisyo mula sa SSS.

Muli naman nag paalala si Aguja sa mga employers na magbayad ng nasa tamang oras upang makaiwas sa malaking penalites mula sa SSS. | ulat ni AJ Ignacio

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us