Sunog sa San Antonio, Makati City, idineklara nang ‘fire out’

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara nang fire-out kaninang alas-dose ng tanghali ang sunog sa isang apat na palapag na gusali sa may Bakawan corner Lumbayao Street sa Barangay San Antonio, Makati City.

Tumagal ng halos anim na oras ang sunog na nagsimula sa ikaapat na palapag ng gusaling pag-aari ng isang Ruddy Tan kung saan matatagpuan ang yarn area. Ang nasabing gusali ay pabrika ng isang kilalang brand ng medyas.

Walang nasaktan sa nasabing sunog na umabot sa ikaapat na alarma.

Tinatayang aabot sa pitong milyong piso ang halaga ng napinsala sa sunog at iniimbestigahan na ng Bureau of Fire Protection ang pinagmulan ng sunog. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us