Supply ng bigas sa bansa, sapat para sa 3rd quarter ng 2023; Pag-stabilize ng presyo nito, patuloy na tinututukan ng pamahalaan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sapat ang supply ng bigas sa bansa para sa ikatlong quarter ng taong kasalukuyan.

Ito ayon kay Agriculture Assistant Secretary Kristine Evangelista ay binubuo ng pinagsamang supply mula sa local produce ng bansa at ang inangkat na bigas ng Pilipinas, para sa buffer stock.

Sa briefing ng Laging Handa, sinabi ng opisyal na sa kabila nito, nagpapatuloy ang ginagawa nilang vetting sa kanilang stakeholders upang masiguro na angkop ang hawak nilang datos sa sitwasyon.

“We are continuously vetting sa ating mga stakeholders kasi mayroon din silang mga agam-agam na ipinarating sa atin. So, continuous dialogue with our stakeholders to make sure that we have the correct data. But as far as our National Rice Program is concerned, production is high. That is good news kasi at least mas maraming local production; mayroon pa rin tayong importation as augmentation but bottom line is we are sufficient.” — Asec Evangelista.

Kaugnay nito, siniguro ng opisyal na nakatutok rin ang Department of Agriculture sa pag-stabilize o pagpapatatag ng presyo ng bigas sa bansa, lalo at hindi aniya tumitigil sa usapin sa supply nito na kanilang tinututukan.

“It’s not enough na nakita nating ang supply data kung saan mataas ang production. The distribution system para makarating ito sa ating mga mamimili na tama ang presyo, iyon ay pinagtutulungan ng consumer affairs pati ng inspectorate. Kasi ang inspectorate, titingnan nila ang sitwasyon sa mga warehouses to make sure that iyong inflow at outflow ng lahat ng agricultural commodity ay nasa ayos.” — Asec Evangelista | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us