Suspek sa pagpatay sa 4 na taong gulang na bata sa Las Piñas City, ililipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town sa Marikina City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ililipat na sa kustodiya ng Manila Boy’s Town sa Marikina City ang Child in Conflict with the Law, na siyang nasa likod ng pagpatay at pagsisilid sa washing machine sa kanyang apat na taong gulang na pamangkin sa Brgy. CAA sa Las Piñas City.

Ito ang kinumpirma sa Radyo Pilipinas ni Las Piñas City Police Chief, Police Colonel Jaime Santos alinsunod na rin sa rekomendasyon ng Senior Prosecutor ng Las Piñas City Prosecutor’s Office.

Sinabi ni P/Col. Santos, lumabas sa isinagawang evaluation at assessment ng City Social Welfare and Development Office gayundin ng ilang Psychologist na tila sinadya ng CICL ang krimen kaya’t nakita ng piskalya na ginawa ito “with discernment”.

Una rito, sinampahan ng kasong “murder” ng Las Piñas City Police Station – Criminal Investigation Division ang 15 anyos na tiyuhin ng biktima.

Magugunitang kabilang sa mga ebidensyang nakalap ng Pulisya ay ang screenshot ng post ng CICL kung saan, nakasaad doon ang kaniyang pag-amin gayundin ang pagsisisi sa kaniyang nagawa. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us