Taas pasahe sa LRT line 1 at 2, tuloy na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Department of Transportation na tuloy na ang taas pasahe sa LRT line 1 at 2 bunsod na rin ng gumagandang takbo ng ekonomiya ng bansa.

Sa isang statement na inilabas ng ahensya, sinabi ni Transporation Assistant Secretary for Railways Jorjette B. Aquino, sa isinagawang June 6 Cabinet Meeting ay inaprubahan ang pagpapatupad sa fare increase.

Kung matatandaan, una nang inaprubahan ng Rail Regulatory Unit (RRU) ng ahensya ang P2.29 increase sa baording fee ng LRT 1 at 2 gayundin ang 21 centavos na dagdag kada kilometro.

Ngunit noong April 11 ay ipinahinto ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapatupad dahil sa economic impact nito sa mga mananakay.

Oras na maging epektibo ang kasalukuyang P11 boarding fee ay magiging P13.29 na at ang per kilometrong dagdag ay magiging P1.21 na mula sa dating piso lang.

August 2 inaasahang ipatutupad ang taas pasahe.

Positibo naman si Aquino na ang dagdag nilang kita ay magagamit para mapagbuti pa ang serbisyo at operasyon ng LRT 1 at 2.

“We are aiming to make our rail services more accessible, convenient, and efficient for commuters. We at the Department of Transportation (DOTr) believe that this fare adjustment will contribute to maintaining affordable mass transportation services for the two commuter-train lines,” ani Aquino. | ulta ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us