Tourism Sec. Frasco, nagpaliwanag sa di pagkakabilang ng Bulkang Mayon sa inilabas na official tourism video ng bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaliwanag si Tourism Secretary Christina Frasco matapos hindi maisama ang Bulkang Mayon sa bagong official tourism video ng Department of Tourism (DOT).

Ito ay matapos magpahayag ng pagkadismaya si Albay Second District Representative Joey Salceda na hindi naisama ang bulkan sa naturang promotion video.

Sa isang panayam, sinabi ni Frasco na kinikilala nito ang ambag ng lalawigan ng Albay sa tourism portfolio ng bansa.

Sinabi rin ng kalihim na ang ni-release na video ng ahensya ay simula pa lamang at siniguro sa mambabatas na patuloy ang pagsisikap ng ahensya na magkaroon ng pantay na promotion sa mga tourist destination ng bansa.

Binanggit rin ni Frasco na magsasagawa sana ngayong buwan ang DOT ng isang caravan sa Bicol Region, ngunit pansamantala umano itong inilipat ng Agosto dahil sa sitwasyon sa rehiyon at nakikipag-ugnayan na ang kanilang Regional Office sa mga lokal na pamahalaan sa Kabikulan.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us