Traffic enforcers sa Metro Manila, sasailalim sa training para sa single ticketing system

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsiyo ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Acting Chairperson Atty. Don Artes, na magsisimula na sa June 27 ang pagsasanay ng mga traffic enforcer para sa pagpapatupad ng single ticketing system.

Ayon kay Artes, dumating na ang unang batch ng handheld device na na-customize sa pitong local government unit (LGU) kabilang ang San Juan, Caloocan, Valenzuela, Quezon City, Pateros, Paranaque, at Muntinlupa.

Hiniling din niya na gawing dual sim ang mga device dahil may ilang lugar na mahina ang signal ng cellphone.

Aniya, posibleng sa una o ikalawang linggo ng Hulyo ang soft launch ng paggamit ng handheld devices at sa katapusan ng naturang buwan ang full roll out ng single ticketing system.

Inaasahan din, na sa Hulyo na maipapamahagi ang tig 30 device sa mga LGU sa Metro Manila.

Dagdag ni Artes, kasama nila ang supplier ng mga device para suriin ang mga posibleng diperensya sa paggamit nito. | ulat ni Bernard Jaudian Jr.

Photo: MMDA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us