UAE gov’t, nagpadala ng humanitarian aid sa mga apektado ng pag-aalboroto ng Mayon Volcano sa Albay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpadala ang bansang United Arab Emirates (UAE) ng humanitarian aid na may lamang pagkain at gamot para sa mga Pilipinong apektado ng pagputok ng Bulkang Mayon sa Albay.

Pinangunahan nina Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, Department of Social Welfare and Development (DSWD) Rex Gatchalian, at Transportation Secretary Jaime Bautista ang pagtanggap ng nasabing tulong, kasama si UAE Ambassador to the Philippines Mohamed Alqataam.

Ayon kay Secretary Abalos, agad tumawag ang counterpart nito sa UAE na magpapadala ito ng tulong sa mga naapektuhan ng pagsabog ng bulkan sa loob ng 24-oras.  Agad rin na nagpasalamat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pangulo ng UAE sa tulong na ipinagkaloob ng nito sa Pilipinas.

Dagdag pa ng kalihim, inaasahang may darating pang tulong mula sa UAE sa mga susunod na araw.

Para naman kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nagpapasalamat sila sa DILG sa tulong na ibinigay nito at ayon sa kalihim ay target na unang maibigay ito ngayong araw sa mga bayang higit na nangangailangan.  | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us