Ang ugnayan sa pagitan ng ehekutibo at lehislatura ang itinuturong dahilan ng House leadership kung bakit patuloy na lumalago at tumatatag ang ekonomiya ng bansa.
Kasunod ito ng pagtaya ng World Bank na lalago ng 6% ngayong taon ang gross domestic product o GDP ng Pilipinas.
Ayon kay House Speaker Martin Romualdez, ipinapakita lamang nito ang katatagan ng mga Pilipino, pagiging epektibo ng ating economic fundamentals gayundin ang dynamism sa sektor ng negosyo.
“This upgraded forecast reinforces the positive trajectory of the Philippine economy and demonstrates that we are on the right track towards recovery and progress. It is a testament to the resilience of our people, the dynamism of our businesses, and the stability of our economic fundamentals,” saad ni Speaker Romualdez.
Malaking bagay rin aniya sa pagkamit nito ang komprehensibo at inclusive na economic agenda ng Marcos Jr. administration kasama na ang pagtutulungan ng economic managers, mga mambabatas at iba pang stakeholders.
“The comprehensive and inclusive economic agenda of the administration of President Ferdinand R. Marcos, Jr., as well as the collaborative efforts between the Executive and Legislative branches, have proven fruitful in fostering an environment conducive to growth,” dagdag ni Romualdez.
Makakaasa naman aniya ang taumbayan na mananatiling nakatuon ang House of Representatives sa pagbuo ng mga panukala na lalo pang magpapalakas sa ekonomiya ng bansa kung saan mga Pilipino rin ang makikinabang.
“As the House amply demonstrated, we remain committed to implementing policies that will further stimulate economic activity, attract investments, and generate employment opportunities for our fellow Filipinos. We will not allow any distraction to derail our efforts at finding appropriate and timely solutions to the problems affecting the lives of our people,” pagtatapos ng House leader. | ulat ni Kathleen Jean Forbes