Week-long city wide mourning sa San Juan City, idineklara kasunod ng pagkamatay ni Vice Mayor Jose Warren Villa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Idineklara ang week-long city wide mourning sa Lungsod ng San Juan kasunod ng pagkamatay ni Vice Mayor Jose Warren Villa.

Naglabas ng Executive Order si San Juan City Mayor Francis Zamora ngayong araw na nagdedeklara ng week-long city wide mourning sa lungsod mula June 19 hanggang June 25.

Kaugnay nito, naka-half mast na ang lahat ng bandila ng Pilipinas na saklaw ng kapangyarihan ng Lungsod ng San Juan.

Kanselado na rin ang lahat ng opisyal na events sa lungsod sa panahon ng mourning period bilang pag-alala kay Villa.

Pumanaw si Vice Mayor Villa kagabi at hindi naman isinapubliko ang sanhi ng pagkamatay nito. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us