10 domestic flights ng Airswift Airlines, kinansela dahil sa masamang panahon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Aabot sa 10 domestic flight ng Airswift ang kinansela ngayong tanghali sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa masamang lagay ng panahon sa ilang bahagi ng bansa.

Sa abiso ng MIAA Media Affairs Division, kabilang sa mga kinansela ang anim na mga flight nito mula Manila patungong El Nido at pabalik ng Manila.

Ito ay ang:

T6 126/127 – Manila-El Nido-Manila

T6 142/143 – Manila-El Nido-Manila

T6 146/147 – Manila-El Nido-Manila

Kanselado din ang flight T6 543 mula Busuanga-Manila:

T6 114 Manila-El Nido

T6 122 Manila-El Nido

T6 149 El Nido-Manila

Samantala, wala pang anunsyo ang iba pang airline para sa kanilang flight cancellation ngayong araw.

Dahil dito, inaabisuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline company para sa karampatang rebooking o refund sa kanilang mga biyahe. | ulat ni Gab Humilde Villegas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us