Pilipinas, hinimok ang mga kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mundo

Hinihimok ng Pilipinas ang mga bansang kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa at tugunan ang mga mahahalagang hamon na kinakaharap ng mundo at regional developments sa katatapos lang na Non-Aligned Movement Ministerial Meeting na ginanap sa bansang Azerbaijan. Binigyang-diin ni Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Carlos Sorreta na hindi dapat hati ang Non-Aligned Movement… Continue reading Pilipinas, hinimok ang mga kasapi ng Non-Aligned Movement na magkaisa na tugunan ang mga hamon na kinakaharap ng mundo

DAR, nagkaloob ng ₱18-M halaga ng solar-powered irrigation system para sa mga magsasaka ng Kalinga

Nagkaloob ang Department of Agrarian Reform (DAR) ng ₱18-milyong halaga ng solar-powered irrigation systems sa Rizal Indigent Farmers Irrigators Association para sa mga magsasaka ng Barangay Calaocan, Rizal, Kalinga. Ipinagkaloob ni Agrarian Reform Secretary Conrado Estrella III ang nasabing solar-powered irrigation system bilang pauna sa mga support services na ipagkakaloob sa mga agrarian reform beneficiaries… Continue reading DAR, nagkaloob ng ₱18-M halaga ng solar-powered irrigation system para sa mga magsasaka ng Kalinga

DMW, binigyang direktiba ni Pang. Marcos Jr. na gawing libre ang OFW Pass

Binigyang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., ang Department of Migrant Workers (DMW) na gawing libre para sa mga overseas Filipino worker ang digital OFW Pass. Layong ng naturang OFW Pass na mapabilis ang exit clearance ng mga OFW na may aktibong kontrata at magtatrabaho sa ibang bansa. Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan… Continue reading DMW, binigyang direktiba ni Pang. Marcos Jr. na gawing libre ang OFW Pass

Manila solon, pinasalamatan ang CBCP sa pagdeklara sa Quiapo Church bilang national shrine

Malaki ang pasasalamat ni Manila Representative Joel Chua sa Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa pagdeklara sa Quiapo Church bilang isang National Shrine. Sa hakbang na ito aniya ay napagtibay ang Quiapo Church bilang sentro ng pananampalataya at pilgrimage ng iba pang Black Nazarene shrines sa buong bansa. Dahil naman dito umaasa si… Continue reading Manila solon, pinasalamatan ang CBCP sa pagdeklara sa Quiapo Church bilang national shrine

Mga masustansyang pagkain, gawing accessible para sa pamilyang Pilipino: solon

Nababahala si ANAKALUSUGAN party-list Rep. Ray Reyes sa datos ng National Nutrition Council kung saan 35% ng mga Pilipino o apat sa sampu, ang hindi nakakakain ng masustansyang pagkain. Kaya’t bilang pakikiisa sa National Nutrition Month, muling inihirit ni Reyes ang agarang pagpapatibay sa House Bill 2189 o Zero Hunger Bill. Dahil aniya sa nananatiling… Continue reading Mga masustansyang pagkain, gawing accessible para sa pamilyang Pilipino: solon

Mga aberyang kinaharap ng Filipino Muslims sa Hajj, pinaiimbestigahan sa Kamara

Pinasisiyasat ni Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative BAI Dimple Mastura ang hindi magandang karanasang sinapit ng mga Filipino Muslim na nakibahagi sa 2023 Hajj. Sa ilalim ng House Resolution 1107, pinasisilip ang reklamo ng mga kababayang Muslim Filipinos na nakaranas ng di umano’y hindi magandang kondisyon habang sila ay nagsasagawa ng banal na… Continue reading Mga aberyang kinaharap ng Filipino Muslims sa Hajj, pinaiimbestigahan sa Kamara

DTI, nakapagtala ng nasa ₱73.75-B na investment sa paglahok ng Pilipinas sa 3-week Europe Investment Road Show

Nakapagtala ang Department of Trade and Industry (DTI) ng nasa ₱73.75-billion pesos na pamumuhunan mula sa paglahok ng ating bansa sa 3-week Europe Investment Road Show sa Europa. Ayon kay Trade Secretary Alberto Pascual, sa naturang halaga ng investment pledges, nakuha ito mula sa limang bansa —Brussels, France, United Kingdom, Netherlands, at Germany. Kung saan… Continue reading DTI, nakapagtala ng nasa ₱73.75-B na investment sa paglahok ng Pilipinas sa 3-week Europe Investment Road Show

COMELEC, naglunsad ng internet voting demonstration para sa overseas voting sa susunod na midterm elections 2025

Naglunsand ang Commission on Elections (COMELEC) ngayong araw ng Internet Voting Demostrations na gagamitin para sa Overseas Absentee Voting sa darating na Midterm Elections sa 2025. Ayon kay COMELEC Chairperson George Erwin Garcia, layon ng naturang voting demonstration na magkaron ng makabagong options ng pagboto ang ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibayong dagat na… Continue reading COMELEC, naglunsad ng internet voting demonstration para sa overseas voting sa susunod na midterm elections 2025

Embahada ng Japan, ipinagdiwang ang ika-69 na anibersaryo ng Japan Self-Defense Forces

Ipinagdiwang ng Embahada ng Japan ang ika-69 na anibersaryo ng Japan Self-Defense Forces sa tahanan ng Embahador ng Japan sa Makati. Dinaluhan ang nasabing okasyon ng mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mga opisyal ng pamahalaan, at mga kasapi ng Diplomatic Corps. Sa kanyang pambungad na pananalita, nagpahayag ng pagiging positibo si… Continue reading Embahada ng Japan, ipinagdiwang ang ika-69 na anibersaryo ng Japan Self-Defense Forces

Trabahador na nag-apply ng Nat’l Police Clearance, inaresto ng Pasig City Police

Inaresto ng Pasig City Police ang isang trabahador na nag-apply ng National Police Clearance kahapon sa Pasig City Police Station, C. Raymundo Ave., Barangay Caniogan, Pasig City. Ito’y matapos na matuklasan ng mga pulis na mayroon itong outstanding warrant of arrest para sa kasong frustrated homicide na inisyu noong August 19, 2010, ng Regional Trial… Continue reading Trabahador na nag-apply ng Nat’l Police Clearance, inaresto ng Pasig City Police