18 pulis na tinanggap ni Pangulong Marcos Jr. ang courtesy resignation, nananatili pa sa kustodiya ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Chief, Police General Benjamin Acorda Jr. na nasa Personnel Holding and Accounting Unit (PHAU) ang 18 opisyal ng pulisya na tinanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang courtesy resignation.

Ito ang inihayag ni Acorda nang pangunahan nito ang handover ng monetary reward sa police assets sa Kampo Crame, kaninang umaga.

Magugunitang ipinahiwatig kahapon ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos, na deemed dismissed na ang mga naturang opisyal matapos tanggapin ng Pangulo ang kanilang pagbibitiw.

Gayunman, sinabi ni Acorda, na inilagay sa PHAU ang mga naturang pulis dahil nais nilang hintayin ang papel na magmumula sa tanggapan ng Pangulo hinggil dito.

Una nang nanawagan si Abalos sa mga colonel at heneral na maghain ng courtesy resignation bilang bahagi ng paglilinis sa hanay ng pulisya, dahil sa pagkakasangkot ng ilan sa mga ito sa iligal na droga. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us