18 sa 953 opisyal ng PNP na naghain ng courtesy resignation dahil sa umano’y pagkakadawit sa illegal drugs, tinanggap na ni Pangulong Marcos Jr. 

Facebook
Twitter
LinkedIn

Labing walong (18) mga opisyal na pawang third-level officers sa Philippine National Police (PNP), na umano’y pawang sangkot sa iligal na droga ang pinangalanan na.

Kasunod ito ng ginawang pagtanggap ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa courtesy resignation ng mga ito, base na din sa rekomendasyon ng National Police Commission Ad Hoc Advisory Group na nagsagawa ng imbestigasyon.

Kabilang sa tinanggap na courtesy resignation ng Pangulo ay tatlong one star general at 15 colonels.

Ang mga naturang opisyal sa PNP ay kabilang sa 953 third level officers na naging subject ng imbestigasyon, dahil sa umano’y pagkakadawit sa iligal na droga.

Ang mga opisyal na sinasabing sangkot sa illegal drugs ay patuloy na imo-monitor habang pinoproseso na ang kanilang relief orders.

Ang mga kinauukulan ay agad na itatalaga muna sa Personnel Holding and Accounting Unit na nasa ilalim ng Directorate for Personnel and Records Management. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us