Lt. Gen. Romeo Brawner, itinalaga ng Pangulo bilang susunod na Chief of Staff ng AFP

Itinalaga na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. si Lieutenant General Romeo Brawner, bilang susunod na Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang kinumpirma ni Presidential Communications Office Secretary Cheloy Velicaria-Garafil, ngayong hapon (July 19). Si LtGen Brawner ang kasalukuyang Commanding General ng Philippine Army. “He exemplified the highest levels… Continue reading Lt. Gen. Romeo Brawner, itinalaga ng Pangulo bilang susunod na Chief of Staff ng AFP

MMDA at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsagawa ng full council meeting bilang paghahanda sa nakaambang krisis sa tubig

Nagpulong ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC) ngayong araw, patungkol sa preparasyon sa posibleng krisis sa tubig ngayong panahon ng El Niño. Pinangunahan ni MMDA Acting Chairperson at MMDRRMC Chairperson Atty. Don Artes ang pulong kasama ang iba pang opisyal ng pamahalaan. Sa naturang full… Continue reading MMDA at Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council, nagsagawa ng full council meeting bilang paghahanda sa nakaambang krisis sa tubig

Renewable energy projects, paglalaanan ng puhunan ng MIF –Senate President Zubiri

Mamumuhunan ng husto ang gobyerno sa mga renewable energy project gamit ang pondo mula sa Maharlika Investment Fund (MIF), ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri. Sinabi ni Zubiri, nang makausap niya si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kaugnay ng MIF ay sinabi nito na kabilang sa mga infrastructure project na pagtutuunan ng pondo ang… Continue reading Renewable energy projects, paglalaanan ng puhunan ng MIF –Senate President Zubiri

Patuloy na inobasyon sa public transportation system sa Pilipinas, para sa pagpapagaan ng buhay mg commuters, asahan pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Ipagpapatuloy ng Marcos Jr. Administration ang pagsusulong ng mas marami pang proyekto at inobasyon sa public transporation, para sa pagpapaigting ng mobility at interconnectivity ng mga Pilipino. “I assure you that this administration will continue to pursue more public transportation projects that will improve our people’s mobility and interconnectivity as well as to enhance the… Continue reading Patuloy na inobasyon sa public transportation system sa Pilipinas, para sa pagpapagaan ng buhay mg commuters, asahan pa sa ilalim ng Marcos Jr. Administration.

Infra Flagship Projects Dashboard, inilunsad ng NEDA

Inilunsad ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang Infrastructure Flagship Projects (IFPs) Dashboard. Ang nasabing dashboard ay libreng ma-access ng publiko sa pamamagitan ng official website ng NEDA. Ito ay isang interactive tool, na maaaring gamitin upang makita ang mga impormasyon sa 194 na IFPs ng pamahalaan. Kabilang sa feature ng dashboard ang status… Continue reading Infra Flagship Projects Dashboard, inilunsad ng NEDA

Department of Tourism at mga ahensya ng pamahalaan, nagpulong para sa pag-reporma sa pagbibigay ng visa sa mga turista

Nagsagawa ng pulong ang Department of Tourism (DOT) at iba pang mga ahensya ng pamahalaan na kabilang sa technical working group (TWG), hinggil sa pag-reporma sa pagbibigay ng visa para sa mga turista. Isa sa mga natalakay ay ang update sa visa reform initiatives para sa Chinese nationals, partikular sa pagtanggal ng quota sa visa… Continue reading Department of Tourism at mga ahensya ng pamahalaan, nagpulong para sa pag-reporma sa pagbibigay ng visa sa mga turista

House Appropriations Chief, kaisa sa pagpaplakas ng healthcare sector ng bansa

Tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Representative Elizaldy Co, na kanilang susuportahan sa Kongreso ang pagsusulong na palakasin ang healthcare sector ng bansa. Aniya, kaisa ang House leadership sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ipagpatuloy ang ‘legacy projects’ na nasimulan ng kaniyang ama, na si dating Pangulong Ferdinand… Continue reading House Appropriations Chief, kaisa sa pagpaplakas ng healthcare sector ng bansa

CHED, DOH at PSAC, magtutulungan para sa upskilling program ng mga nurse

Nagsama-sama na ang Commission on Higher Education (CHED), Department of Health (DOH), at ang Private Sector Advisory Council (PSAC) para ipatupad ang upskilling program ng mga underboard nursing graduates. Ito ay upang maisama sila sa kasalukuyang bilang ng mga licensed nurse para sa pangangailangan ng mga public at private hospitals. Pinangunahan mismo nina CHED Chairperson… Continue reading CHED, DOH at PSAC, magtutulungan para sa upskilling program ng mga nurse

Mahigit P19 milyong halaga ng mga produkto, nakumpiska ng NBI-NCR

Nasamsam ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation – National Capital Region (NBI-NCR) ang iba’t ibang pekeng mga produkto na nagkakahalaga ng mahigit P19 milyong. Matapos ang isinagawang operasyon ng ahensya sa Caloocan at Valenzuela City gayundin sa Baclaran sa Parañaque at Carriedo sa Lungsod ng Maynila. Kabilang sa mga kinumpiska ay pawang mga… Continue reading Mahigit P19 milyong halaga ng mga produkto, nakumpiska ng NBI-NCR

Mga social worker at frontliner ng DSWD, sasanayin sa basic life-saving skills

Sasailalim sa basic life-saving skills ang mga social worker at frontliner ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagkasundo na ang DSWD at St. Lukes Medical Center Foundation para sa pagpapatupad ng programa, para sa non-medical practitioners na sinasabing mga first responder sa panahon ng emergency situations. Isang Memorandum of Agreement ang nilagdaan na… Continue reading Mga social worker at frontliner ng DSWD, sasanayin sa basic life-saving skills