Matagumpay na naisagawa ang 1st Mayor Kerkhar Tan Rescue Challenge sa bayan ng Jolo sa harap ng himpilan ng pulisya sa barangay Walled City, Jolo, Sulu kahapon.
Ayon kay Lincoln Tulawie, Assistant Municipal Planning Development Coordinator at Information Officer ng Jolo, kaugnay ito sa selebrasyon ng National Disaster Resilience Month 2023 kung saan mayroon mandato at pondo ang pamahalaang nasyonal na isagawa ito sa mga bayan upang maging handa ang mga Barangay Disaster Risk Reduction Management Officer na rumisponde sa anumang pangyayari.
Base ito ani Tulawie sa inisyatibo ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Officer (MDRRMO) Engr. Alkhalid Jaafar, katuwang ang Bureau of Fire Protection Jolo, Acting Fire Marshall na si SFO4 Abdulyaquin Jamaluddin, SINSP Jayson Ahijon, Acting Fire Marshall ng BFP-Sulu maging ang Jolo Municipal Police Station at Jolo Emergency Rescue Network sa matagumpay na pagsasagawa ito.
Ayon pa kay Tulawie, anim mula sa walong barangay ang lumahok dito maliban sa Alat at Takut -Takut kung saan ipinamalas ng mga ito ang kanilang kahandaan sa ilang mga senaryong ibinigay sa kanila kahapon gaya ng may problema sa leeg at pilay sa tuhod.
Ani Tulawie, mainam na rin ang ganitong hakbang upang masigurong handa ang bayan ng Jolo nang mas mahasa ang kakayahan ng mga rumiresponde sa tuwing may kalamidad at mga kaguluhan gaya ng putukan, kapag may sumabog na bomba at iba pang hindi kanais-nais na pangyayari.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo