Flushing at pagsusuplay ng tubig sa Baseco Evacuation Center, isinagawa ng Manila LGU

Nagsagawa ng flushing operation at pagsusuplay ng tubig ng operation team mula sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO), sa Baseco Evacuation Center ngayong araw. Ito ay bahagi ng pag-agapay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa mga nagsilikas na pamilya sa Baseco, at kasalukuyang tumutuloy sa evacuation center dahil sa masamang panahon dulot… Continue reading Flushing at pagsusuplay ng tubig sa Baseco Evacuation Center, isinagawa ng Manila LGU

LTO, planong magpatupad ng ‘warning system’ para sa PUVs tuwing may bagyo at iba pang kalamidad

Plano ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng mga hakbang na magbibigay babala sa mga pampublikong sasakyan, sa tuwing masama ang panahon at may kalamidad. Sinabi ni LTO Chief Vigor Mendoza II, nais i-adopt ng ahensya ang isang safety measure tulad ng no-sea travel policy, kasunod ng mapaminsalang epekto ng Super Bagyong Egay kung… Continue reading LTO, planong magpatupad ng ‘warning system’ para sa PUVs tuwing may bagyo at iba pang kalamidad

DOT, binati ang Mactan Cebu Int’l Airport matapos makakuha ng Airport Customer Experience Accreditation sa Airports Council Int’l

Nagpaabot ng pagbati ang Department of Tourism (DOT) sa Mactan-Cebu International Airport matapos makakuha ng Airport Customer Experience Accreditation mula sa Airports Council International, dahilan upang maging natatanging paliparan sa bansa na nakakuha ng nasabing pagkilala mula sa prominenteng global aviation body. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco, ang nasabing accreditation ay patunay lamang ng… Continue reading DOT, binati ang Mactan Cebu Int’l Airport matapos makakuha ng Airport Customer Experience Accreditation sa Airports Council Int’l

COMELEC, ‘di apektado ng sunog sa Palacio del Gubernardor

Tuloy ang trabaho sa mga tanggapan ng Commission on Elections (COMELEC) sa bahagi ng Cabildo street sa Intramuros, Maynila ngayong araw. Ito ay matapos sumiklab ang sunog sa Palacio del Gobernador kung saan matatagpuan ang tanggapan ng COMELEC sa Intramuros, Maynila. Batay sa ulat ng Manila Fire Department, sumiklab ang sunog dakong alas-12:32 ngayong hapon… Continue reading COMELEC, ‘di apektado ng sunog sa Palacio del Gubernardor

Palarong Pambansa 2023, pormal nang binuksan

ormal nang binuksan ang Palarong Pambansa 2023 dito sa Marikina Sports Center. Sa pagsindi ng cauldron ay opisyal nang sinimulan itong patimpalak na sumisimbolo sa malalim at masiglang kompetisyon, dalisay na kapyapayan at pagkakaibigan ng mga atleta. Bago ito ay nagkaroon din ng raising of flags ng iba’t ibang rehiyon na sumisimnopo sa pagkakaisa. Sa… Continue reading Palarong Pambansa 2023, pormal nang binuksan

DPWH at MMDA, ipapatawag ni Senador Bong Revilla dahil sa paulit-ulit na pagbaha

Photo courtesy of MMDA

Nakatakdang ipatawag ni Senate Sommittee on Public Works chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes para pagpaliwanagin tungkol sa hindi maresolbang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa tuwing umuulan. Ayon kay Revilla, nakakapikon na… Continue reading DPWH at MMDA, ipapatawag ni Senador Bong Revilla dahil sa paulit-ulit na pagbaha

Opening Ceremonies ng Palarong Pambansa 2023, isinasagawa sa Marikina Sports Center

Sa kabila ng masamang panahon ay nagpapatuloy itong opening ceremonies ng Palarong Pambansa 2023 dito sa Marikina Sports Center. Sinimulan ang program ngayong hapon sa pamamagitan ng band exhibition, cheerdance, at field demonstration. Nagkaroon din ng parade entrance ang mga learner-athlete mula sa 17 rehiyon suot ang kanilang mga costume at prop at sa kabila… Continue reading Opening Ceremonies ng Palarong Pambansa 2023, isinasagawa sa Marikina Sports Center

Kaso ng Leptospirosis, tumaas — DOH

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng pagtaas ng kaso ng leptospirosis sa bansa. Batay sa datos ng DOH mula Enero 1 hanggang Hulyo 15, aabot sa kabuuang 2,079 ang kaso ng nasabing sakit. Mula naman Hunyo 18 hanggang Hulyo 1, nadagdagan pa ng 182 bagong kaso ng leptospirosis o katumbas ng 42 porsiyento na… Continue reading Kaso ng Leptospirosis, tumaas — DOH

Panukalang Taxpayer Bill of Rights, aprubado na sa Senado

Sa botong 22 na senador ang pabor, walang tumutol at walang nag-abstain, pasado na sa ikatlo at huling pagbasa ng senado ang Senate Bill 1806 o ang panukalang Taxpayer’s Bill of Rights and Obligations Act. Sa ilalim ng naturang panukalang batas, ang pamahalaan ay imamandatong magtayo ng Office of the National Taxpayer Advocate (ONTA) na… Continue reading Panukalang Taxpayer Bill of Rights, aprubado na sa Senado

Mga volunteer, dumagsa sa DSWD warehouse para tumulong sa pag-repack ng relief goods

Dinagsa ng volunteers at mga miyembro ng Church of God International ang National Resource Operations Center (NROC) Pasay City, para tumulong sa pag-repack ng relief goods. Tugon ito ng mga residente sa kalapit na barangay at religious group sa panawagan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na nangangailangan ng volunteers para sa paghahanda… Continue reading Mga volunteer, dumagsa sa DSWD warehouse para tumulong sa pag-repack ng relief goods