Resources at PDRRMO personnel ng Davao Oriental, ipina-preposition na para sa deployment dahil sa tigil na malakas na ulang na nagdulot ng pagbaha

Walang tigil ang malakas na ulan simula kaninang 11:00 ng umaga sa Barangay Poblacion na nasa bayan ng Boston at nakaranas na ito ng ankle-deep na baha. Dagdag pa niya, isang landslide ang iniulat na nangyari sa Barangay Sibajay, Boston. Tumaas din ang water level sa sitio Papag, Barangay San Antonio sa bayan ng Caraga… Continue reading Resources at PDRRMO personnel ng Davao Oriental, ipina-preposition na para sa deployment dahil sa tigil na malakas na ulang na nagdulot ng pagbaha

Ilang pamilya na apektado ng pagbaha sa Davao Region, inilikas ng mga volunteer ng PRC

Rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC) sa mga pamilya at indibidwal na apektado ng mga pagbaha sa Davao Region dahil sa masamang panahon na dala ng shearline. Nag-deploy ang PRC Davao de Oro Chapter ng water search and rescue team sa Munisipalidad ng Nabunturan upang umasiste sa lokal na pamahalaan sa paglilikas ng mga pamilya… Continue reading Ilang pamilya na apektado ng pagbaha sa Davao Region, inilikas ng mga volunteer ng PRC

Apektado ng pagbaha sa Davao Region, aabot na sa mahigit 40K na pamilya

Sa pinakahuling report ng Office of Civil Defense (OCD)- XI, aabot na sa 44,888 na pamilya ang apektado ng mga pagbaha dulot ng nararanasang pag-ulan sa Davao Region. Batay sa talaan ng OCD XI, sa naturang bilang, 1,990 na pamilya o 6,709 na indbidwal ang inilikas sa mga evacuation center. May pinakamaraming evacuees sa Davao… Continue reading Apektado ng pagbaha sa Davao Region, aabot na sa mahigit 40K na pamilya

209 katao, inilikas sa Uson, Masbate dahil sa pagbaha bunsod ng shearline

Sa ulat ng Office of Civil Defense 5, may 209 na katao o 58 na mag-anak, ang inilikas sa dalawang barangay sa Bayan ng Uson, Masbate dahil sa pagbaha, dulot ng shearline ngayong araw. Sa Brgy. Magsaysay may 42 na mag-anak o 134na inidibidwal ang lumikas. Pansamantalang nakatira ang mga ito sa San Lorenzo Ruiz… Continue reading 209 katao, inilikas sa Uson, Masbate dahil sa pagbaha bunsod ng shearline

Pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan at pagbaha na tumama sa Zamboanga City, umabot na sa higit P3-M

Umabot na sa P3,738,763 ang pinsala sa sektor ng agrikultura bunsod ng naranasang pag-ulan na naging sanhi ng pagbaha noong ika-23 hanggang ika-25 ng Agosto sa Zamboanga City. Maliban dito, nasa 81 na mga magsasaka rin ang naapektuhan ayon sa City Agriculturist Office. Umabot sa 48.77 na ektarya ng palay, mais, gulay at prutas ang… Continue reading Pinsala sa agrikultura bunsod ng pag-ulan at pagbaha na tumama sa Zamboanga City, umabot na sa higit P3-M

DPWH at MMDA, ipapatawag ni Senador Bong Revilla dahil sa paulit-ulit na pagbaha

Photo courtesy of MMDA

Nakatakdang ipatawag ni Senate Sommittee on Public Works chairman Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sina Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel M. Bonoan at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairperson Romando Artes para pagpaliwanagin tungkol sa hindi maresolbang pagbaha sa iba’t ibang bahagi ng bansa tuwing umuulan. Ayon kay Revilla, nakakapikon na… Continue reading DPWH at MMDA, ipapatawag ni Senador Bong Revilla dahil sa paulit-ulit na pagbaha

Higit 1,400 pamilya, inilikas sa Barangay Bagong Silangan dahil sa pagtaas ng tubig baha

Abot sa 1,406 na pamilya o katumbas na 4,592 indibidwal ang sapilitang inilikas sa barangay Bagong Silangan simula kagabi. Isinagawa ang forced evacuation ng pamahalaang lungsod ng Quezon ng tumaas ang tubig baha sa Marikina River. Ang mga apektadong ay mula sa 31 lugar sa barangay na malapit sa ilog. Bagama’t bumaba na sa alarm… Continue reading Higit 1,400 pamilya, inilikas sa Barangay Bagong Silangan dahil sa pagtaas ng tubig baha

Ibang lugar sa Valenzuela, lubog pa sa tubig baha

Ilang lugar sa lungsod ng Valenzuela ang hindi pa madadaanan ng mga light vehicles dahil lubog pa rin sa tubig baha. Bago mag alas-7:00 kanina, lubog pa hanggang 25 pulgada ang kanto ng Bypass Road. Sa barangay Veinte Reales at sa kanto ng G. Lazaro, Dalandanan na may taas na 35 pulgada ang tubig baha.… Continue reading Ibang lugar sa Valenzuela, lubog pa sa tubig baha

Pamilyang inilikas sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay, umabot na sa 4,000

Tumaas pa lalo ang bilang ng mga pamilyang inilikas sa lalawigan ng Cagayan dahil sa hangin at pagbahang dulot ng bagyong #EgayPH sa probinsya. Batay sa talaan ng PDRRMC, hanggang kaninang alas 11:00 ng umaga, nasa mahigit 4,000 pamilya na ang nailikas sa probinsya na may kabuuang mahigit 16 libong katao. Ang mga ito ay… Continue reading Pamilyang inilikas sa Lalawigan ng Cagayan dahil sa bagyong Egay, umabot na sa 4,000

Mga residenteng apektado ng baha sa Bacolod, tinulungan ng Bacolod City Police Office

Sa walang tigil na pag-ulan dahil sa Bagyong #EgayPH, naapektuhan rin ang siyudad ng Bacolod ng pagbaha. Sa pagbaha sa ilang lugar sa siyudad, aktibo ang Bacolod City Police Office sa pagtulong kag pag-rescue sa mga residenteng apektado ng baha. Ito ay pagtalima sa direktiba ni Police Regional Office 6 Director P/Brigadier General Sidney Villaflor… Continue reading Mga residenteng apektado ng baha sa Bacolod, tinulungan ng Bacolod City Police Office