2 araw na Procurement Summit ng COMELEC, sinimulan ngayong araw

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umarangkada na ang dalawang araw na Procurement Summit ng Commission on Elections (COMELEC) bilang paghahanda sa 2025 Midterm Elections.

Mismong si COMELEC Chair George Erwin Garcia ang nanguna sa pagbubukas ng programa na ginagawa ngayon sa isang Hotel sa Roxas Boulevard, Manila.

Imbitado sa naturang summit ang lahat ng mga stakeholders ng COMELEC tulad ng mga dati at kasalukuyang supplier.

Nakatutok ang aktibidad sa pagpapatupad ng Procurement Act para maipakita sa taumbayan ang transparency at accountability.

Nauna nang nakansela ang nasabing aktibidad noong June 30, 2023 dahil nais ng Komisyon na mapalawak ang kanilang paghahanda para maisakatuparan ang dalawang araw na summit. | ulat ni Michael Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us