2 pulis patay sa shooting incident sa loob ng istasyon sa Narvacan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patay ang dalawang pulis sa nangyaring shooting incident sa loob ng Narvacan Municipal Police Station kaninang 7:30 ng umaga.

Sa ulat ng Narvacan Municipal Police na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawing pulis na sina PCpl. Jeric Ace Abaoag Garcillan at Patrolman Joe Mendoza.

Base sa ulat, nakarinig ng 3 magkakasunod ng putok ng baril ang mga personnel na naka-duty sa naturang istasyon mula sa ikatlong palapag ng gusali.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, naabutan nalang nila ang dalawang pulis na duguan at wala nang buhay.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon, 9mm na baril ang ginamit sa insidente, na narekober sa crime scene.

Hindi pa malinaw sa ngayon ang motibo sa insidente. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us