Mga stranded na pasahero dahil sa Bagyong Egay, nabawasan sa pagbabalik operasyon ng ilang pantalan

Nagbalik na ang operasyon ng 34 mula sa 121 pantalan na naapektuhan dahil sa pananalasa ng bagyong Egay. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), karamihan sa mga nagbukas na pantalan ay mula sa MIMAROPA at Bicol region. Bumaba naman sa 2,943 pasahero ang stranded sa Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Bicol,… Continue reading Mga stranded na pasahero dahil sa Bagyong Egay, nabawasan sa pagbabalik operasyon ng ilang pantalan

Paglago ng ekonomiya ng bansa, kailangang mapanatili upang maabot ang ‘single-digit poverty incidence’ sa 2028 — NEDA

Sa ginanap na post-State of the Nation Address Discussion, inihayag ng National Economic and Development Authority o NEDA na dapat mapanatili ang paglago ng ekonomiya ng bansa upang maabot ang target ng Marcos administration na single-digit poverty incidence sa 2028. Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, nakabalik na ang bansa sa high-growth norm matapos maitala… Continue reading Paglago ng ekonomiya ng bansa, kailangang mapanatili upang maabot ang ‘single-digit poverty incidence’ sa 2028 — NEDA

2 pulis at isang suspek patay, 2 sugatan sa pananaga at pamamaril sa Davao City

Patay ang dalawang pulis at isang suspek, habang sugatan naman ang dalawang iba pa, sa insidente ng pananaga at pamamaril sa Purok 4, Barangay Lacson, Calinan District, Davao City kahapon. Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga nasawi na sina PCMS Tito Didal Lague at PCpl. Mark Anthony Elman Corsino, at ang… Continue reading 2 pulis at isang suspek patay, 2 sugatan sa pananaga at pamamaril sa Davao City

DMW, tiniyak sa mga OFW na naghihintay ng unpaid claims sa Saudi Arabia na nalalapit nang maibigay ang kanilang sahod

Nanawagan ang Department of Migrant Wokers (DMW) sa mga kababayang nating Overseas Filipino Workers (OFWs) na naghihintay ng kanilang unpaid claims sa Kingdom of Saudi Arabia na nagsara matapos mabangkarote sa naturang bansa. Ayon kay DMW Secretary Susan ‘Toots’ Ople, batay sa huling pag-uusap nila ni Royal Highness Crown Prince Mohammad Bin Salman, ibibigay ngayong… Continue reading DMW, tiniyak sa mga OFW na naghihintay ng unpaid claims sa Saudi Arabia na nalalapit nang maibigay ang kanilang sahod

DFA, nagpasalamat kay PBBM sa pagsuporta nito sa pagprotekta sa soverign rights at territorial integrity ng bansa

Nagpasalamat ang Department of Foreign Affairs (DFA) kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagsuporta nito sa pagtatangol ng DFA sa sovereign rights at tertiorial integrity ng bansa. Sa isinagawang Post Sona Forum kahapon, sinabi ni DFA Undersecretary Antonio Morales na magandang indikasyon ang sinabi ng Pangulo sa kanyang naging SONA nitong Lunes na pagpapahayag… Continue reading DFA, nagpasalamat kay PBBM sa pagsuporta nito sa pagprotekta sa soverign rights at territorial integrity ng bansa

BuCor, iginiit na di riot ang pinag-ugatan ng nangyaring insidente sa loob ng New Bilibid Prisons

Hindi riot ang iginiit ng Bureau of Corrections (BuCor) makaraang magkaroon ng gulo sa loob ng Maximum Security Compound ng New Bilibid Prisons (NBP). Batay sa initial na imbestigasyon ng BuCor, nag-ugat ang naturang insidente matapos mag-usap ang dalawang gang sa pagitan ng Batang City Jail at Bahala na Gang. Mayroong hindi napagkaunawaan ang dalawang… Continue reading BuCor, iginiit na di riot ang pinag-ugatan ng nangyaring insidente sa loob ng New Bilibid Prisons

Sanhi ng pagkamatay ng natagpuang kalansay ng isang PDL sa loob ng septic tank sa NBP, pinasisiyasat ng DOJ

Inaalam na ng Department of Justice (DOJ) kung ano ang naging sanhi ng pagkamatay ng isang Person Deprived of Liberty (PDL) na matagal nang napaulat na nawawala sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City. Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kakailanganin ng isang Forensic Anthropoligist para makatulong sa ginagawang imbestigasyon sa… Continue reading Sanhi ng pagkamatay ng natagpuang kalansay ng isang PDL sa loob ng septic tank sa NBP, pinasisiyasat ng DOJ

5 patay, 2 sugatan sa pananalasa ng Bagyong Egay

Umabot na sa lima ang iniwang patay ng bagyong Egay. Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, apat dito ay mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR) habang ang isa ay mula sa CALABARZON. Mayroon ding naitalang dalawang sugatan, pero ang mga ito ay patuloy pang bineberipika… Continue reading 5 patay, 2 sugatan sa pananalasa ng Bagyong Egay

LTO enforcer na nahuling nangongotong, pinasususpinde na ni LTO Chief Mendoza

Inatasan na ni LTO Chief Asec. Atty. Vigor Mendoza II ang regional director ng LTO 3 na agarang magpatupad ng mga administratibong aksyon laban sa isang enforcer na nahuling nangongotong sa entrapment operations sa San Fernando City, Pampanga. Sa inisyal na ulat ng PNP, kinilala ang nahuling enforcer na si Kristofferson Canlas na naka-deploy sa… Continue reading LTO enforcer na nahuling nangongotong, pinasususpinde na ni LTO Chief Mendoza

Mga nagbubukas na pantalan, nadagdagan pa kasunod ng pag-aalis ng Typhoon Signal ng PAGASA — Coast Guard

Patuloy pang nadaragdagan ang mga nagbubukas na pantalan matapos alisin ng PAGASA ang Typhoon Signal bunsod ng bagyong Egay. Batay sa datos ng Philippine Coast Guard (PCG), pinayagan na ang pagbiyahe ng mga malalaking sasakyang pandagat sa mga pantalan sa Bicol Region, Batangas, at Mindoro. Gayunman, sinabi ni Coast Guard Spokesperson, RAdm. Armand Balilo na… Continue reading Mga nagbubukas na pantalan, nadagdagan pa kasunod ng pag-aalis ng Typhoon Signal ng PAGASA — Coast Guard