Umaasa ang Pangulo na maaabot ng bansa ang panahon na hindi na kakailanganin ang tulong ng gobyerno para sa mahihirap dahil ibig sabihin umangat ang buhay ng mga Pilipino.
Sa media interview sa pangulo, sinabi nito maganda na dumating ang panahon na hindi na kailangan ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) dahil indikasyon ito ng kaya na ng mahihirap na pamilya na mabuhay ng ayos.
Ngunit ayon sa pangulo, ipagpapatuloy ng pamahalaan ang pagkakaloob ng ayuda sa mahihirap na mamamayan upang maibsan ang kanilang pasanin.
Malaking tulong din ito aniya upang makatawid sa epekto ng kalamidad o emergencies.
Giit ng pangulo, puputulin lang ang 4Ps kung ang lahat ng benepisyaryo nito ay may trabaho at kaya nang suportahan ang kanilang pamilya.
Kabilang sa prayoridad ng administrasyong Marcos Jr. ang paglaban sa kahirapan sa pamamagitan ng mga programang tutugon sa problema ng kagutuman.| ulat ni Melany V. Reyes