5 patay, 2 sugatan sa pananalasa ng Bagyong Egay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa lima ang iniwang patay ng bagyong Egay.

Sa huling datos na inilabas ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ngayong umaga, apat dito ay mula sa Cordillera Autonomous Region (CAR) habang ang isa ay mula sa CALABARZON.

Mayroon ding naitalang dalawang sugatan, pero ang mga ito ay patuloy pang bineberipika ng NDRRMC.

Samantala, patuloy ding lumolobo ang bilang ng mga apektadong indibidwal.

Sa ngayon, nasa 89,639 pamilya o katumbas ng 328,356 na katao ang apektado mula sa 836 na barangay sa Regions 1, 2, 3, 5, 6, 10, 12, CALABARZON, MIMAROPA, BARMM at CAR.

Sa nasabing bilang, nasa halos 20,000 indibidwal ang pansamantalang nanunuluyan sa 306 na mga evacuation center. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us