5 pulis na sangkot sa robbery-extortion sa Maynila, itinanggi ang mga akusasyon laban sa kanila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Itinanggi ng limang pulis-Maynila na sangkot sa Robbery-Extortion ng isang computer shop sa Sampaloc, Maynila ang mga akusasyon laban sa kanila.

Ito’y matapos na sumuko sa Camp Crame kagabi ang limang pulis sa tulong ni Presidential Anti-Organized Crime Commission Undersecretary Gilbert Cruz.

Sa statement ni  Police Staff Sergeant Ryan Tagle Paculan na tumayong tagapagsalita ng grupo, iginiit niya na lehitimo ang kanilang operasyon laban sa computer shop na umano’y nag-ooperate ng online-casino at walang permit sa Bureau of Permits ng Lungsod ng Maynila. 

Itinanggi rin niya ang alegasyong kinuha nila ang ₱40,000 at ₱3,500 laman ng kaha ng shop, at maging ang hard drive ng CCTV ng shop.

Inakusahan naman ni Paculan ang may-ari ng computer shop na si Herminigildo Dela Cruz, na nagtangkang suhulan sila ng apat na libong-piso kada linggo para hayaan ang patuloy na operasyon ng hindi-rehistradong computer shop, na kanila umanong tinanggihan.

Matapos na iharap kay PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr., ang limang pulis ay dinala sa Manila Police District para harapin ang reklamo laban sa kanila. | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PC

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us