7,612 na narekober na armas, winasak ng PNP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Philippine National Police (PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang pagwasak ng 7,612 captured, confiscated, surrendered, deposited, abandoned, and forfeited firearms (CCSDAF) sa Camp Crame.

Bahagi ito ng “demilitarization” ng nasabing mga armas para masiguro na hindi na magagamit ang mga ito sa hindi magandang paraan.

Ang aktibidad kahapon na pinangasiwaan ng Logistics Support Service, ang pang-apat at pang-huling batch sa pagwasak ng mahigit 25 libong CCSDAF na nasa imbentaryo ng PNP.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Gen. Acorda na ang intensyon sa pagwasak ng mga baril ay hindi lang para maiwasang mapasakamay ng masasamang loob ang mga ito, kundi para narin i-recycle ang “scrap metal” sa mas kapaki-pakinabang na gamit.

Ang “scrap metal” mula sa mga winasak na baril ay ibebenta ng PNP sa pamamagitan ng “Public bidding”, at ang kita ay gagamitin sa iba’t ibang programa ng PNP. | ulat ni Leo Sarne

📸: PNP-PIO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us