9 hanggang 11 oras na water interruption, ipatutupad ng Maynilad simula Hulyo 12

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nag-abiso na ang Maynilad Water Services sa mga customer nito na magkakaroon ng water interruption simula sa Miyerkules, July 12.

Ayon kay Engr. Ronald Padua, Head ng Water Supply Division, ang water interruption ay bunsod ng mas pinababang alokasyon ng National Water Resources Board o NWRB mula Angat Dam na 48 cubic meters per second, dahil na rin sa pagbaba ng water level nito.

Kabilang sa apektadong mga lungsod ang Caloocan, Malabon, Valenzuela, Navotas, Quezon City at Maynila.

Tatagal ito ng alas-7 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw kinabukasan o kabuuang 9 na oras.

Ngunit may ilang baranggay sa Quezon City at Caloocan na alas-5 at alas-6 na ng madaling araw magbabalik ang suplay ng tubig.

Ang mas mahabang oras ay para lamang aniya hintayin na mag normalize ang pressure dahil ang naturang mga lugar ay nasa mas mataas na elevation.

Nasa 591,00 na kabahayan o katumbas ng 3.5 million individual consumers ang maaapektuhan ng water interruption.

Pagtitiyak naman ni Padua na sakaling tumaas muli ang lebel ng tubig sa Angat Dam ay maaari nilang ihinto na ang water interruption. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us