ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, nangako ng buong suporta sa adhikain ng Kamara lalo na para sa mga mahihirap

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pormal nang nanumpa sa plenaryo ng House of Representatives si ACTI-CIS Rep. Erwin Tulfo bilang ika-312 na miyembro ng Kapulungan

Kasunod na rin ito ng paglalabas ng COMELEC ng kaniyang Certificate of Proclamation nitong nakaraang Hulyo a-20

Si House Speaker Martin Romualdez ang nanguna sa panunumpa ni Tulfo na pinalitan ang pwesto ng nagbitiw na si dating Cong. Jeffrey Soriano.

Nagpasalamat si Tulfo sa mainit na pagtanggap sa kaniya ng mga kasamahang mambabatas at nangakong susuportahan ang liderato ng Kapulungan.

Makakaasa aniya ang Kamara na kasama siya sa pagsusulong ng mga panukalang batas para sa ikabubuti ng bawat Pilipino lalo na para sa mga mahihirap, marginalized, at vulnerable sectors.

“Maraming salamat sa mainit na pagtanggap, lalo na kay Speaker Martin Romualdez. I am sending my full support to the current leadership in Congress particularly for their dedication to advancing important legislation. The current leadership in Congress are essential for the progress and well-being of our nation,” ani Tulfo.

Dagdag pa nito na magiging kakampi siya sa Kongreso ng mga mahihirap at ng inaapi na matagal na aniya niyang adbokasiya.| ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us