AFP Chief, bukas sa pagsasagawa ng joint military exercises kasama ang China

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bukas ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa possibilidad ng pagkakaroon ng Joint Military Exercises kasama ang China.

Ito ang sinabi ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. kaugnay ng naturang suhestyon ni Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian.

Ayon kay Gen. Brawner, ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mismong nagsabi na ang Pilipinas ay “Friend to all, enemy to none,” kaya bukas ang Pilipinas sa pakikipagdiyalogo sa iba’t ibang mga bansa.

Paliwanag ni Brawner, may tinatawag na “military diplomacy” kung saan nakikipag-usap at nagsasagawa ng mga aktibidad ang Pilipinas kasama ang iba’t ibang mga partner na bansa.

Ito aniya ay para maging handa ang bansa sa posibleng giyera.

Pero sa kabila aniya ng paghahanda sa giyera, binigyang diin ni Brawner na ang ultimong hangarin ng Pilipinas ay makaiwas sa giyera.  | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us