AFP, muling nagsagawa ng Command Conference

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, General Andres Centino ang Command Conference para sa ikalawang semestre ng kasalukuyang taon, sa Kampo Aguinaldo ngayong araw.

Dito, tinalakay ang mga naging tagumpay ng Sandatahang Lakas sa pagpapaigting ng panloob na seguridad na siyang nagtulak naman sa kanila para tutukan ang territorial defense operations ng Pilipinas.

Ipinagmalaki rin sa naturang command conference, ang tuluyang pagkagapi ng communist terrorist group at iba pang lokal na mga teroristang grupo na nagresulta sa pagbaba ng bilang nito.

Mula aniya noong nakalipas na taon, dalawa sa limang aktibong guerilla fronts ng komunistang terorista ang nalansag, dalawang iba pa ang napahina habang may isa pang nananatiling aktibo.

Dahil dito, asahan nang mapagtutuunan na ng pansin ang kanilang external security operations sa pamamagitan ng mas pinaigting na surface maritime at aerial patrols.

Gayundin ang pagpapadala ng air surveillance radar systems, monitoring sa sea lines of communications, at redeployment ng Naval Special Operation units at Philippine Marines. | ulat ni Jaymark Dagala 📸: AFP-PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us