Nagkaroon ng local recruitment activity ang Antipolo City government ngayong araw sa Antipolo City Hall.
Katuwang ang kumpanyang I-Fashion Marketing, kabilang sa vacant job posts na maaaring applyan ng mga jobseeker ay mga posisyong: graphic artist, fashion designer, area sales supervisor, sales manager, QA documentation staff, field inventory staff, driver, electrician, general helper, at office staff.
Nagsimula ang local recruitment activity kaninang alas-8 ng umaga at magpapatuloy hanggang alas-3 ng hapon sa Public Employment Service Office (PESO), 4th floor ng Antipolo City Hall main building.
Para sa mga pupunta, huwag kalimutang magdala ng updated resume at iba pang requirements.
Ayon kay Antipolo City PESO Manager Marie Fe Iquin, halos araw-araw silang may inii-schedule na local recruitment activity ka-partner ang isang kumpanya.
Sa ganito aniyang aktibidad ay nasa 80 percent ng mga nagpupuntang aplikante ang naha-hire on the spot.
Kumpara naman kasi aniya sa mga malalakihang job fair, mas in-depth ang interview at pagkilatis sa mga aplikante sa ganitong local recruitment activity.
Sa mga interisado, palagian lang i-check ang Facebook o social media ng Antipolo City Government. | ulat ni Nimfa Mae Asuncion
📸: Antipolo City LGU