Binuksan na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang kanilang Northern Mindanao Regional Field Office sa Cagayan de Oro City.
Ayon kay ARTA Secretary Ernesto Perez, ito na ang huling ARTA field office na inilunsad upang masakop ang dalawang rehiyon sa Northern Mindanao.
Binigyang-diin ng kalihim, na ang pagtatatag ng ARTA field office ay magpapalawak sa streamlining at digitalization programs upang mapabuti ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno sa rehiyon.
Kasabay nito, ginawaran ng Certificate of Commendation ng ARTA ang Local Government ng Cagayan de Oro City dahil sa pagtatag ng fully functional electronic business one-stop shop (eBOSS).
Nangako naman ng suporta sa ARTA ang local government at kinilala ang kahalagahan nito para mapabuti ang mga serbisyo ng pamahalaan sa rehiyon. | ulat ni Rey Ferrer