Tumama na sa kalupaan ang sentro ng bagyong Egay.
Ayon sa PAGASA, nag-landfall ang bagyo sa bahagi ng Fuga Island, Aparri, Cagayan kaninang alas-3:10 ng madaling araw.
Sa 5am weather forecast ng weather bureau, huling namataan ang sentro ng bagyo sa karagatan ng Aparri, Cagayan. Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 175km/h at pagbugsong 240km/h.
Nasa ilalim pa rin ng Signal no. 4 ang maraming lugar sa Norte kabilang ang northern portion ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Claveria, Sanchez-Mira, Pamplona, Abulug, Ballesteros, Aparri, Buguey, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Praxedes) kabilang ang Babuyan Islands, northern portion ng Apayao (Calanasan, Luna, Santa Marcela), at northern portion ng Ilocos Norte (Burgos, Bangui, Dumalneg, Pagudpud, Adams, Pasuquin, Vintar, Bacarra).
Nasa Signal no. 3 naman ang Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, Apayao, northern portion ng Kalinga (Rizal, Pinukpuk, Balbalan), northern portion ng Abra (Tineg, Lagayan, Lacub, Danglas, Bangued, La Paz, San Juan, Dolores, Tayum, Lagangilang, Malibcong, Licuan-Baay, Peñarrubia, Pidigan, Langiden, San Quintin, Bucay, San Isidro, Sallapadan), nalalabing bahagi ng Ilocos Norte, at northern portion ng Ilocos Sur (Magsingal, San Juan, Cabugao, Sinait, San Vicente, Santo Domingo, San Ildefonso, Bantay, Santa Catalina, City of Vigan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Narvacan).
Nakataas sa Signal No. 2 ang Isabela, nalalabing bahagi ng Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, nalalabing bahagi ng Abra, nalalabing bahagi ng Ilocos Sur, at La Union.
Habang nasa Signal no. 1 ang Aurora, Quirino, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Nueva Ecija, Tarlac, Pampanga, Bulacan, Zambales, Bataan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna, northern portion ng Batangas (Talisay, City of Tanauan, Santo Tomas, Balete, Malvar, Lipa City), northern at central portion ng Quezon (Pitogo, Calauag, Infanta, Lopez, Guinayangan, Unisan, Plaridel, Quezon, Alabat, Padre Burgos, Mauban, General Nakar, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, Tagkawayan, Lucena City, Pagbilao, Lucban, Sampaloc, City of Tayabas, Dolores, Sariaya, Candelaria, Tiaong, San Antonio) kabilang ang Polillo Islands, Camarines Norte, northern portion ng Camarines Sur (Siruma, Tinambac, Goa, Lagonoy, Caramoan, Cabusao, Sipocot, Garchitorena, Ragay, Del Gallego, Calabanga, Presentacion, Lupi), at northern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panganiban, Viga, Caramoran).
Hindi naman iniaalis ng PAGASA ang posibilidad na muling mag-landfall ang bagyong Egay sa northwestern ng Cagayan.
Inaasahan namang lalabas ng PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyo bukas ng umaga. | ulat ni Merry Ann Bastasa