Bantamweight champ Tapales, binigyang pagkilala ng Lanao del Norte LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang pagkilala ng probinsyal na pamahalaan ng Lanao del Norte sa pamumuno ni Governor Imelda “Angging” Quibranza-Dimaporo ang New Unified World Boxing Association (WBA) and International Boxing Federation (IBF) World Super Bantamweight Champion na si Marlon Tañan Tapales.

Ibinahagi ni Governor Angging ang plake ng pagkilala kay Tapales sa celebration ng 64th Araw ng Lanao del Norte noong ika-2 ng Hulyo, ngayong taon sa Mindanao Civic Center Grandstand, Tubod, Lanao del Norte.

Nagwagi bilang Champion si Tapales sa WBA and IBF World Super Bantamweight laban kay Murodjon Akhmadaliev ng Uzbekistan noong ika-7 ng Abril, ngayong taonsa San Antonio, Texas, Estados Unidos.

Si Tapales ay nagmula sa Barangay Maranding Annex, Kapatagan, Lanao del Norte at kilala ito bilang “The Nightmare.”

Ayon sa Gobernadora, sobrang proud siya kay Tapales at pumunta pa ito ng Las Vegas, USA upang ipakita ang kaniyang suporta sa laban nito kay Hiroaki Teshigawara noong Nobyembre 27, 2021.| ulat ni Sharif Timhar H. Habib Majid| RP1 Iligan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us