BCDA Chair Delfin Lorenzana, pinarangalan ng Japan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinarangalan ng Pamahalaan ng Japan si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) Chairperson Delfin Lorenzana, sa kanyang naging papel sa pagsulong ng kooperasyong pandepensa ng Pilipinas at Japan noong panahong nanungkulan siya bilang Kalihim ng Department of National Defense (DND).

Ang prestihiyosong National Decoration ng Japan na “The Order of the Rising Sun, Gold and Silver Star” ay ipinagkaloob kay Lorenzana ni Japan Emperor Naruhito, sa pamamagitan ni Japanese Ambassador to the Philippines Koshikawa Kazuhiko sa Ambassador’s residence sa Makati, nitong Biyernes.

Sinabi ni Ambassador Kazuhiko, na ang parangal ay bilang pasasalamat ng Pamahalaan ng Japan sa pagsisikap ni Lorenzana na mapatatag ang ugnayang pandepensa ng dalawang bansa, at bilang pagkilala sa kanyang “exemplary leadership” at “progressive achievements”.

Ang Order of the Rising Sun na itinatag ni Japanese Emperor Meiji noong April 10, 1875 ay ipinagkakaloob sa mga mamamayan ng Japan at mga dayuhan, na nagkamit ng katangi-tanging “accomplishment” sa kanilang larangan. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us