Tiniyak ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) ang kanilang buong suporta sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program sa ilalim ng liderato ni AFP Chief Gen. Romeo Brawner Jr.
Sa isang statement, sinabi ni BCDA Chairman Delfin Lorenzana na naniniwala siya sa propesyonalismo at mahusay na pamumuno ni Gen. Brawner na makakatulong sa pagsulong ng mga “accomplishment” ng AFP.
Ayon kay Lorenzana, kumpiyansa siya sa commitment ni Gen. Brawner na maipatupad ang marching orders ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-modernisa ang sandatahang lakas.
Ang BCDA na itinatag noong 1992 para pangasiwaan ang pagbebenta ng mga naka-tiwangwang na lupain ng militar, ay nakapag-ambag na ng aabot sa 60 bilyong piso sa AFP.
Halos 49 na bilyong piso sa halagang ito ang napunta sa AFP modernization program, habang 11 bilyong piso naman ang napunta sa improvement ng mga military facilities. | ulat ni Leo Sarne
📷: DND