BFP, mamamahagi pa ng bagong fire trucks sa iba’t ibang lugar sa bansa

Facebook
Twitter
LinkedIn

May 53 fire trucks ang ipagkakaloob ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa iba’t ibang lalawigan sa bansa simula bukas.

Ayon kay BFP Directorate for Administration Chief Jesus Fernandez, pawang mga bago ang mga fire truck na may kapasidad na 1,000 gallons.

Bawat fire truck na kumpleto sa fire figthing accessories ay nagkakahalaga ng P14 million.

Sabi pa ni Fernandez, galing sa regular funds ng BFP ang ipinambili ng mga fire-fighting unit na gawa ng Japan.

Kanina, may anim ding 1,000-gallon fire trucks ang i-tinurn over ng BFP headquarter para sa iba pang local government unit. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us