Biyahe ng mga sasakyang pandagat sa ilang pantalan na dinaanan ng bagyong Egay, posibleng magbalik-normal na — PCG

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihayag ngayon ng Philippine Coast Guard (PCG) na unti-unti nang nagbabalik-normal ang biyahe ng mga barko o malalaking sasakyang pandagat.

Ito ayon sa Coast Guard ay bunsod na rin ng pagbuti ng panahon partikular na sa bahagi ng Visayas kung saan pinayagan na ang paglalayag ng mga barko, dahil tinanggal na ng PAGASA ang typhoon warning signal doon.

Ayon kay PCG Spokesperson RAdm. Armand Balilo, bumaba na ang bilang ng mga na-stranded na pasahero sa 1,675 buhat sa dating mahigit 3,000.

Nasa 350 sa mga ito ay nagmula sa mga pantalan ng Pasacao, Tamban, Sabang, Aroroy, Mintac at Cawayan sa Bicol Region, na pawang naghihintay na lamang ng pagbalik ng masasakyan nilang barko.

Sa Southern Luzon naman ay may 953 na mga stranded na pasahero habang may 372 naman sa NCR at Central Luzon, na kasalukuyang naghihintay na lamang din ng abiso sa PAGASA hinggil sa pag-alis ng storm signal. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us