Biyahe ng PNR mula Ligao sa Albay patungong Naga sa Camarines Sur at pabalik, muling aarangkada sa Hulyo 31

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling bubuksan ng Philippine National Railways (PNR) ang biyahe ng tren sa rutang Naga-Ligao sa darating na Lunes, Hulyo 31.

Ayon sa pamununan ng PNR, pansamantalang magkakaroon ng dalawang biyahe ng tren kada araw na babagtas sa 67 kilometrong haba ng riles sa nabanggit na ruta.

Ganap na alas-5:30 ng umaga aalis ang unang biyahe ng PNR mula sa Ligao patungong Naga, at susundan naman ito ng ikalawang biyahe ng tren mula sa Naga patungong Ligao ganap na alas 5:30 ng hapon.

Ipinabatid pa ng pamunuan ng PNR na kapag dumami ang mga pasahero, magdaragdag pa sila ng byahe sa nasabing ruta.

Dahil dito, tinatayang aabutin ng dalawang oras at 11 minuto ang biyahe mula Ligao patungong Naga at pabalik, gamit ang isang Diesel Hydraulic Locomotive (DHL) na may limang passenger coaches at kayang magsakay ng higit 1,300 pasahero.

Magiging operational din ang siyam na istasyon para pagserbisyuhan ang mga pasahero mula sa iba’t ibang lugar sa Albay at Camarines Sur partikular na sa Naga, Pili, Baao, Iriga, Bato, Matacon, Polangui, Oas, at Ligao Nasa P15 ang pamasahe para sa unang istasyon at aabot naman ng hanggang P105 hanggang sa huling istasyon ng tren. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us