Nadagdagan pa ang mga barangay sa Navotas na ligtas mula sa panganib ng iligal na droga.
Kasunod ito ng pagdeklara ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Brgy. San Roque bilang isa na ring Drug Cleared Barangay sa lungsod matapos pumasa sa mahigpit na assessment at validation sa ilalim ng Section 12 ng Dangerous Drugs Board Regulation No. 4, series of 2021.
Kaugnay nito, pinangunahan naman ni Navotas Mayor John Rey Tiangco, ang pag-abot sa PDEA certificate kay Brgy. Captain Enrico Gino-gino at iba pang opisyal ng barangay.
Ang San Roque ang ika-13 nang barangay sa Navotas na naideklarang drug-cleared kaharap ang mga barangay ng North Bay Boulevard South (NBBS) Dagat-dagatan, NBBS Proper, NBBS Kaunlaran, Navotas East, Navotas West, Tanza I, Tanza II, San Rafael Village, Bagumbayan North, Sipac-Almacen, Bangkulasi, at Daanghari. | ulat ni Merry Ann Bastasa