Chinese restaurant sa Makati City at apat pang sangay, pinasara ng BIR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ipinasara na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang Chinese restaurant sa Makati City at apat pang sangay nito .

Ginawa ito ng BIR dahil sa paglabag ng business establishments sa National Internal Revenue Code (NIRC) tulad ng hindi pag-rehistro ng isang sangay nito bukod sa hindi pag-iisyu ng rehistradong resibo at iba pa.

Apektado ng Closure Order ang restaurant business ng Shanzhen Haiwei Food (SHANZHEN) sa Makati City, Paranaque City at Taguig City.

Binigyan na ng pagkakataon ang may-ari ng restaurant para ayusin ang kanilang obligasyon pero hindi nila ito tinupad.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us