CLiMA, inilunsad ng Pasig City Local Government

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng 450th Araw ng Pasig, inilunsad ngayong araw ng Pasig City Local Government ang City-Wide Land Information Management and Automation (CLiMA).

Sa ilalim nito ay gagamit ang Pasig City LGU ng geographic information system (GIS) para magkaroon ng digital mapping ng buong lungsod kabilang na ang mga imprastrakturang nakatayo sa Pasig City

Sa pamamagitan ng CLiMA ay inaasahang mas mapapabilis ang pagkuha ng permit at clearances sa pagpapatayo ng mga bahay, gusali o anumang imprastraktura sa lungsod.

Makakatulong rin aniya ito sa assessment ng mga imprastraktura at sa real property taxation.

Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, isa sa mga benepisyo ng CLiMA ay ang pagpapataas ng tax revenue ng lungsod dahil mas magiging tama ang pagtukoy sa mga real property, gusali o negosyo.

Bukod sa real property assessment, malaking tulong rin aniya ang CLiMA sa pagtukoy ng mga lugar na binabaha at malapit sa fault line maging ang mga road network sa lungsod.

Sinabi ni Mayor Vico, na sa ngayon ay nagagamit na ng Pasig City LGU ang bahagi ng application na ito pero target itong maging 100 percent operational sa katapusan ng 2023. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us