Cloudseeding ops sa Cagayan at Bohol, inihahanda na

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng Bureau of Soils and Water Management (BSWM) ang pagsasagawa ng cloud seeding operations sa Cagayan Valley at lalawigan ng Bohol.

Ayon kay Engr. Ernesto Brampio, Water Resources Management Division Chief, batay sa kanilang joint area assessment ay kailangan na talaga ng tulong ng cloud seeding sa Cagayan.

Dagdag pa nito, nakapaglaan na rin ang Department of Agriculture (DA) regional office sa Cagayan Valley ng ₱9-million para sa cloud seeding operations habang nasa ₱2.5-million naman ang pondong inilaan dito ng Bohol provincial office.

Samantala, posible ring magsagawa ng cloud seeding operation sa Angat Dam dahil sa patuloy na pagsadsad ng lebel ng tubig nito.

Ani Engr. Brampio, kailangan lamang na siguruhing pasok sa criteria ang mangyayaring cloud seeding.

Sa oras naman na maikasa na ang cloud seeding, 80% aniya itong epektibo na magpapaulan sa Angat water shed.

Sa ngayon, nasa ₱18.5 million na ang nakalaan na pondo ng ahensya para sa isasagawang operasyon sa susunod na taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us