COMELEC Sulu, puspusan ang paghahanda para sa nalalapit na BSKE sa Oktubre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Puspusan ang paghahanda ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sulu para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa ika-30 ng Oktubre ngayong taon.

Ayon kay Atty. Vidzfar Julie, Provincial Election Supervisor ng COMELEC sa lalawigan sa programang Usapang Pangkapayapaan, Usapang Pangkaunlaran ng Philippine Air Force Tactical Operations Group Sulu Tawi-Tawi, nasa proseso na sila ng posting ng listahan ng mga botante, final inspection ng mga voting center at iba pang hakbang.

Ito aniya matapos matukoy ang may 94 polling centers sa buong lalawigan para sa 416,010 kabuuang botante kung saan 154,164 dito ang para sa Sangguniang Kabataan o mula 15 hanggang 17 taong gulang.

Masasabi niya ani Julie na halos handa na ang lahat maliban na lang sa official ballots at iba pang accountable forms na dumarating dalawang linggo bago ang halalan.

Nakatakda din nitong pulungin ang Ministry of Basic Higher and Technical Education, mga Municipal Treasurer, Election Officer at iba pa na may kinalaman sa pagsasagawa ng eleksyon.

Nauna nang pinulong nito ang PNP, AFP at Philippine Coast Guard kaugnay sa pagpapatupad ng seguridad upang matiyak ang maayos at payapang BSKE.

Sinadya naman dagdag pa ni Julie hindi na binalasa ang pamunuan ng COMELEC mula sa municipal at provincial level na dapat sana noon pang ika-17 ng Hulyo.| ulat ni Mira Sigaring| RP1 Jolo

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us