Commander ng AFP Western Command Naval Forces West, bumisita sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binisita ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Western Command (WESCOM) Naval Forces West Commander Commodore Alan M Javier ang mga tropang naka-deploy sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal para personal na kumustahin ang kanilang kalagayan.

Ito ang pangalawang pagbisita ng mataas na opisyal ng AFP sa outpost ng Pilipinas sa West Philippine sea sa taong ito.

Ang pagbisita ay kasabay ng regular na “rotation of troops and reprovisioning (RoRe) mission”, gamit ang isang kinontratang sibilyang barko noong Hunyo 29.

Sa kanyang pagbisita sa lugar, napansin ni Cmdre. Javier ang presensya ng mga Pilipinong mangingisda sa Ayungin shoal, na natutulungan ng mga tropa sa BRP Sierra Madre kapag masama ang panahon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng pagkain, tubig, at lugar na masisilungan.

Ipinaabot naman ni outgoing BRP Sierra Madre Officer in Charge Lieutenant Junior Grade Darwin S Datwin kay Cmdre. Javier ang pangangailangan ng karagdagang tropa para mas mapangalagaan ang teritoryo ng bansa laban sa mga ilegal na aktibidad na nakakapinsala sa likas-yaman. | ulat ni Leo Sarne

📷: WESCOM/NFW PAO

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us