COVID-19 testing, ‘di na kailangan sa araw ng SONA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi na kailangan sumailalim pa sa COVID-19 testing ang mga dadalo sa araw ng State of the Nation Address (SONA) sa July 24, basta’t nabakunahan na.

Isa ito sa mga napag-usapan sa isinagawang inter-agency meeting bilang paghahanda sa ikalawang SONA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco, kung ang indibidwal ay bakunado na kailangan lamang nitong ipresinta ang kaniyang vaccination card.

Sapat na rin aniya ang primary dose ng bakuna.

Ang mga mangangailangan naman ng testing ay yung mga kakikitaan ng sintomas.

Habang ang mga hindi bakunado ay mangangailangan ng negative RT-PCR test na ginawa 48-oras bago ang SONA.

Pero payo ni Velasco, huwag na lang dumalo ang mga hindi pa bakunado o yung mga vulnerable sa sakit.

“We have been informed na ili-lift na yun, wala nang antigen require requirement. Even the health declaration we will forego that…Kunwari may symptoms ka, we will require you to have the RT-PCR, or yung mga unvaccinated, then we’ll have a special lane for them.” ani Velasco | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us