Crime index, bumaba ng 10 porsyento sa unang 6 na buwan ng 2023 kumpara sa nakalipas na taon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniulat ni PNP Spokesperson Police Col. Jean Fajardo na bumaba ang crime index ng 10 porsyento sa unang anim na buwan ng taon.

Ayon kay Fajardo, 18,660 ang index crimes na naitala mula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan, na mas mababa sa 20,765 na insidente ni iniulat sa kahalintulad na panahon noong nakaraang taon.

Kasama sa index crimes ang 8 focus crime na: theft, rape, physical injury, murder, carnapping ng motorsiklo, carnapping ng motor vehicle, robbery at homicide.

Ang lahat ng mga ito ay nakapagrehistro ng pagbaba ng bilang ng mga iniulat na kaso, maliban sa robbery at homicide, na bahagyang tumaas.

9 na porsyento ang ibinaba ng theft; 18 porsyento ang rape; 20 porsyento ang physical injury; 2 porsyento ang murder; 9 na porsyento ang carnapping ng motorsiklo; at 29 na porsyento ang ibinaba ng carnapping of motor vehicle.

Habang tumaas naman ng 7 porsyento ang robbery at halos 3 porsyento naman ang homicide. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us